Hindi lamang problema ng ordinaryong Pilipino ang tumitinding trapiko.
Ito, ayon kay Congressman Frederick Siao, ay kaya’t isinusulong nilang makapagcommute din ang mga mambabatas tuwing araw ng Lunes para kahit papaano aniya ay makatulong na mapagaan ang trapiko.
Sinabi sa DWIZ ni Siao na maaaring makatulong sa pagresolba sa daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour ang mga sasakyan ng mga tulad niyang kongresista, senador, cabinet officials at local officials.
Nilinaw ni Siao na sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso matapos ang Undas niya pormal na ihahain ang nasabing panukala na tinagurian niyang ‘Public Servants Commuting via Transport Act’.
“We believe that, parang kami rin kasi, we have also felt that and gusto rin namin na mabigyan ng solusyon itong problema natin, itong problema na ‘to ay hindi lang problema ng ordinaryong mamamayan, we’ve seen the efforts coming from the administration, from everyone and we want a solution for this,” ani Siao. — sa panayam ng Ratsada Balita Interview