Kasabay ng pagluluwag ng restriction o pagbaba ng alert level system sa bansa partikular na sa Metro Manila ay mas bumigat naman ang daloy ng trapiko sa ilang mga kalsada sa NCR
Sa pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos, bumibigat ang daloy ng trapiko kapag peak hours dahilan ng mabagal na pag-usad ng mga sasakyan sa ilang mga kalsada.
Sa ngayon kasi, suspendido parin ang coding scheme sa mga pampubliko at pribadong sasakyan.
Ayon kay Abalos, layunin nilang masunod ang “personal bubble” sa Metro Manila para sa mas ligtas ang pagbiyahe ng mga pasahero.
Unti-unti naring niluluwagan ang kapasidad ng mga simbahan, mall at iba pang mga establisyimento at pasyalan sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero