Asahan nang matatapos ang kalbaryo ng maraming mga taga-Metro Manila bukas, araw ng Biyernes.
Ito’y dahil sa inaasahang pag-alis ngayong araw ng mga heads of state at mga delegado na dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, tatanggalin na nila ang lockdown sa mga pangunahing kalsada bukas kapag nasiguro na nilang wala nang natira pang delegado ng APEC sa bansa.
Kaya naman sa huling pagkakataon, umapelang muli si Mayor sa mga taga-Metro Manila na makiisa at unawain ang ipinatutupad na security measures kasabay na rin ng paghingi nila ng paumanhin sa mga naperhuwisyo dahil sa matinding trapik.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco