Muling nagpaalala ang Commission on Elections sa mga politiko at kakandidato hinggil sa pagdaraos ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa January 9, 2025.
Ayon kay COMELEC Commissioner Ernesto Maceda Jr., hindi dapat gamitin ang nasabing religious activity upang mamulitika.
Puwede naman aniyang tumulong pero huwag paabutin sa puntong mas madami pa ang t-shirt na may mukha ng pulitiko kaysa sa mukha ng itim na nazareno.
Giit pa ni Commissioner Maceda, hindi ito okasyon para sa mga pulitiko kundi isang religious event. – Sa panulat ni Jeraline Doinog