Nagsimula na ang tradisyunal na traslacion bilang bahagi ng pista ng Itim na Nazareno sa Maynila.
Alas-5:29 kanina nang ilarga ng mga Hijos del Nazareno ang Andas na naglululan sa Poon sa Quirino Grandstand.
Pasado alas-12:00 naman ng hatinggabi sinimulan ang misa kumpara sa mga nakaraan na dakong alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng umaga.
Ang misa ay pinangunahan ni Father Hernando Coronel ng Quiapo Church kasama si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nagbigay ng homily.
Tinatayang pito (7) hanggang labinwalong (18) milyong deboto ang inaasahang bilang ng mga dumaragsa o daragsa sa ika-410 taon ng kapistahan ng Itim na Nazareno.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio (Patrol 17)