Susunod na rin sa new normal ang paggunita sa tradisyunal na traslacion ng poong itim na Nazareno sa susunod na taon.
Ayon sa pamunuan ng Basilika Minore ng itim na Nazareno sa Quiapo sa Maynila, hindi muna isasagawa ang tradisyunal na traslacion na nagmumula sa Quirino Grandstand patungong simbahan ng Quiapo.
Wala ring isasagawang pahalik sa poon upang maiwasan na magkaroon ng hawaan ng COVID-19 sa mga deboto.
Sa halip ayon kay Fr. Douglas Badong, ang parochial vicar ng Quiapo Church, magiging localized ang pagdiriwang upang maiwasan ang pagdagsa ng mga deboto sa simbahan ng Quiapo.
Batay sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF), bawal ang pagsasagawa ng mass gatherings hangga’t umiiral ang community quarantine sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.