Opisyal nang nagsimula ang taunang traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa taong ito.
Bago ito, nagsagawa muna ng maikling panalangin sa pangunguna ng mga pari mula sa simbahan ng Quiapo bago tuluyang inilabas ang andas dakong alas-5:05 kaninang umaga.
Kapansin-pansin ang maayos na pagsasampa ng imahe ng Nazareno sa andas nito at bagamat mabagal ang pag-usad dahil sa dami ng deboto ay tuloy-tuloy naman ang pag-usad nito.
Mula sa Quirino Grandstand, daraan ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Katigbak Drive diretso patungo sa Padre burgos Hanggang sa makarating sa Jones Bridge.
Kakanan ito sa Kalye Dasmariñas, kakanan sa Plaza Sta. Cruz, kakaliwa sa Palanca hanggang makalagpas sa ilalim ng Quezon Bridge.
Kakaliwa naman ang prusisyon sa Quezon Boulevard, kakanan sa Arlegui, kakanan sa Fraternal, kakanan sa Vergara, kakaliwa sa Dugue de Alba, kakaliwa sa Kalye Castillejos, kakaliwa sa Farnecio.
Kakanan muli sa Arlegui, kakaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila, kakanan sa Carcer, kakanan sa Hidalgo patungo sa Plaza del carmen kung saan pansamantalang ititigil ang prusisyon para sa tradisyunal na dungaw sa harapan ng Basilika ng San Sebastian.
Mula sa Plaza del Carmen, kakaliwa ang andas patungong Bilibid Viejo diretso hanggang sa makarating sa Kalye Puyat, kakaliwa sa Guzman, kakanan muli sa Hidalgo, kakaliwa sa barbosa, kakanan sa Globo de Oro na daraan sa ilalim ng Quezon Bridge.
Kakanan sa Palanca, kakanan sa Villalobos diretso sa Plaza Miranda kung saan magtatapos ang prusisyon pabalik ng simbahan ng Quiapo.
Inaasahang milyon-milyung deboto ang dadalo sa traslacion.
—-