Posibleng ulanin ang Metro Manila sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Martes, Enero 9.
Ayon sa PAGASA, bagamat maulap na kalangitan ang inaasahang panahon sa Martes, may posibilidad pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan dahil sa amihan na umiiral sa LUZON, ngunit mababa ang tiyansa ng malakas na paguulan.
Ayon pa sa PAGASA, dahil sa amihan, katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands.
Bahagyang apektado din ng amihan ang Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley na makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Mataas naman ang tiyansa ng pag-ulan at pagkidlat, pagkulog sa Bicol, Eastern Visayas, Caraga at Davao dahil sa easterlies.