Umabot sa mahigit 1.3 milyong deboto ang lumahok sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila sa kabila ng sinasabing terror threat.
Hindi nagpatinag ang mga deboto sa matinding init ng panahon at banta sa seguridad sa halip ay lalo itong nagbigay sa kanila ng lakas ng loob.
Tinaya naman sa 1,200 katao ang binigyan ng medical attention ng Philippine Red Cross (PRC) makaraang mahilo, manghina, madaganan at mabalian ng buto.
Dakong alas-3:30 nang matapos ang traslacion o maipasok ang imahen ng Itim na Nazareno sa simbahan ng Quiapo matapos ang 22 oras.
‘Generally peaceful’
Pangkalahatang naging mapayapa ang traslacion ng imahen ng Itim na Nazareno sa Maynila.
Ayon kay National Capital Region Police Office Chief, Dir. Oscar Albayalde, wala silang naitalang mga insidente gaya ng petty crimes sa kasagsagan ng Pista ng Quiapo.
Gayunman, nakapagtala sila ng apat na injuries, mga nawawalang bata maging ang pagkahimatay ng isang deboto.
Tinatayang labinlima (15) hanggang labingwalong (18) milyong katao naman ang kabuuang dumagsa sa kapistahan.
By Drew Nacino