Hindi minasama ng Malacañang ang inilabas na travel warning ng Australia sa kanilang mga mamamayan laban sa Pilipinas.
Ayon sa Office of the Presidential Spokesperson o OPS, tila isang general advisory lamang ang ipinalabas ng Australia na naglalayong paalalahanan ang kanilang mga kababayan.
Pagtitiyak naman ng Palasyo, walang dapat ikabahala ang mga dayuhang nasa Pilipinas dahil nananatiling maayos at ligtas ang sitwasyon sa bansa.
Sinegundahan naman ito ng Philippine National Police o PNP na nagsabing wala silang namamataang banta sa seguridad kasabay ng inilabas na travel warning.
Bagama’t may mga lumalabas na ulat hinggil sa ilang mga elemento ng terorista ang namataan sa Metro Manila, pero ayon sa PNP, patuloy pa rin nila itong bineberipika.
—-