Ipinagdiinan ni Senador Panfilo Lacson na dapat seryosohin ng pamahalaan at ng mga otoridad ang travel advisory ng Estados Unidos sa kanilang mamamayan na huwag munang magtungo sa Palawan dahil sa banta ng pangingidnap ng mga teroristang grupo.
Ayon kay Lacson, may basehan ang ganitong mga babala o travel advisory dahil may malawak na intelligence network ang Amerika.
Naniniwala si Lacson na naabisuhan na ang Armed Forces of the Philippines sa bagay na ito at tiwala siya na may kaukulang hakbang ng ginagawa ang AFP at PNP hinggil dito.
Bagamat naunang maglabas ng travel advisory ang Estados Unidos, pero naniniwala si Lacson na may alam na hinggil dito ang mga otoridad at hindi muna ito isinisiwalat hangga’t bina-validate pa ang impormasyon upang hindi magdulot ng takot.
Inihalimbawa ng Senador ang nangyari sa Bohol kung saan na nakapag-responde ang AFP at PNP kaya napigilan ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nagtungo roon para maghasik ng karahasan.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno