Umapela ang samahan ng mga lisensyadong travel agency sa Department of Foreign Affairs (DFA) na payagan na silang muling makakuha ng passport appointment online.
Ito ay matapos tanggalin ng DFA ang 1,000 passport appointment slot na dating nakalaan para sa kanilang mga kliyente bawat araw.
Ayon kay Dolly Santos, presidente ng Golden Sky Travel and Tours, apektado ang kanilang negosyo dahil 15% ng kanilang kita ay galing sa pagpo-proseso ng pasaporte.
Dagdag ni Santos, hindi sila ang dapat pumapasan ng problema sa mga backlog dahil hindi nila ito kasalanan.
Iginiit din ng mga travel agency ang kanilang karapatan sa bisa ng Philippine Passport Act kung saan pinapayagan silang maghain ng application para sa renewal ng passport.
Kasabay nito, umaasa silang makakadulog mismo kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano upang mapag-usapan ang nasabing isyu.