Pinag-aaralan pa ng Department of Foreign Affairs o DFA kung maglalabas ng travel warning ang Pilipinas sa bansang Turkey.
Ito’y kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa paliparan ng Ataturk sa Istanbul.
Kasunod nito, hinikayat ni outgoing DFA Secretary Jose Rene Almendras ang mga Pilipino sa nasabing bansa na magparehistro sa embahada ng Pilipinas.
Paliwanag ni Almendras, marami kasi sa mga Pinoy ang hindi rehistrado kaya’t nahihirapan silang tukuyin at hanapin ang mga ito lalo na sa mga panahon ng emergency.
All safe
Walang Pilipinong nadamay sa ginawang pag-atake sa paliparan ng Ataturk sa Istanbul, Turkey.
Inihayag ito ng Department of Foreign Affairs o DFA batay sa natanggap nilang report mula sa embahada ng Pilipinas sa Ankara.
Ayon kay Asst. Sec. Charles Jose, sa kabila ng ulat, patuloy pa rin nilang minomonitor ang situwasyon ng mga Pilipino sa nasabing lugar.
Batay sa tala ng DFA, halos 500 na mga Overseas Filipino Worker o OFW’s ang nagta-trabaho ngayon sa bansang Turkey.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco (Patrol 25)
Photo Credit: EPA