Plano ng pamunuan ng Clark International Airport na tanggalin na ang travel tax at excise tax sa gasolina ng mga lilipad papunta at pabalik sa kanilang paliparan.
Ayon kay Emigdio Tanjuatco III, ang presidente ng Clark International Airport Corporation, itoy para makahikayat pa sila ng mga airline at pasahero sa kanilang airport.
Paraan na rin anya ito para ma-decongest o mabawasan ang mga gumagamit sa NAIA.
Kaya ng Clark Airport na maka-accommodate ng 4 na milyong pasahero sa loob ng isang taon pero noong 2015 nasa higit 700,000 passengers lamang ang gumamit sa paliparan na ito.
Pagtitiyak ng Clark Airport, handa silang tumanggap ng bulto ng mga pasahero.
Sa ngayon, pinaplano na ang pagpapagawa ng riles ng tren na magkokonekta sa Manila at Clark Airport.
By Jonathan Andal (Patrol 31)