Binawi na ng pamahalaan ang ipinatupad na travel ban para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na magbabalik ng Hong Kong at Macau.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay matapos magpalabas ng desisyon ang interagency task force for emerging and infectious diseases (IATF).
Ayon kay Dulay, hindi na kasama o sakop ng outbound travel ban ang mga nagbakasyong OFW’s at magbabalik na sa kanilang mga trabaho sa Hong Kong at Macau.
Sinabi ni Dulay, kinakailangan lamang sundin ng mga nabanggit na OFW’s ang ilang mga proseso para mapayagan nang makaalis at makabalik ng kanilang mga trabaho sa dalawang nabanggit na teritoryo ng China.