Magpapatupad ang Bureau of Immigration o BI ng “temporary travel ban” ng mga pasahero na magmumula sa Grenada, Papua New Guinea, Serbia, at Slovenia simula bukas, Setyembre 19.
Ayon kay BI commissioner Jaime Morente, alinsunod ito sa resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF.
Aniya ang mga pasahero na nagmula o nasa mga nasabing bansa sa loob ng huling 14 na araw, bago ang kanilang pagdating sa Pilipinas, ay pansamantalang hindi papapasukin sa bansa.
Epektibo ang nasabing travel ban hanggang Setyembre 30, 2021.–-sa panulat ni Hyacinth Ludivico