Inirekomenda ng DOH ang pagbabawal makapasok sa bansa ng mga magmumula sa Hong Kong matapos lumutang ang bagong variant ng COVID-19 sa South Africa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sumulat na sila kay Eecutive Secretary Salvador Medialdea na kaagad aksyunan ang kanilang rekomendasyon para makatiyak na hindi makakapasok sa bansa ang B.1.1.529 variant.
Una nang inaprubahan ng IATF ang pagsuspindi ng inbound international flights mula sa South Africa, Botswana at iba pang bansa na mayruong kaso o posibleng mapasukan ng nasabing bagong COVID-19 variant ilang linggo bago ang pasko.