Pinaburan ng US Supreme Court ang ipinatutupad na travel ban ni President Donald Trump sa ilang Muslim majority countries sa Estados Unidos.
Sa botong 5-4, inihayag ng US Supreme Court na sakop ng kapangyarihan ng US President ang pagpapatupad ng travel ban sa kanilang bansa.
Dagdag pa ng US Supreme Court, wala rin silang nakikitang dahilan na mag-uudyok ang nasabing ban ng di pagkakaunawaan sa bawat relihiyon.
Magugunitang ipinag-utos ni Trump noong Setyembre ang pagbawal sa pagpasok sa Estados Unidos ng mga mamamayan mula Iran, Libya, Somalia, Syria at Yemen.
—-