Naglabas ng kautusan ang pamahalaan hinggil sa pagpapatupad ng travel restriction para sa mga pasaherong manggagaling ng Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh.
Mababatid na ang naturang hakbang ay bahagi ng pag-iingat ng bansa sa COVID-19 variant mula India.
Sang-ayon sa kautusang inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ipagbabawal muna ang pagtanggap ng bansa sa mga pasaherong may travel history sa mga nabanggit na bansa sa nakalipas na dalawang linggo o 14 na araw.
Sisimulang ipatupad ang naturang kautusan mula ala-una ng madaling araw ng May 7 at magtatagal hanggang May 14.
Sa kabila nito, makapapasok pa rin ang mga mga biyaherong makararating ng bansa bago mag May 7 pero kailanagang sumailalim ang mga ito sa mahigpit na quarantine protocols.