Aalisin na ang travel ban ng 17 Overseas Filipino Workers sa Qatar matapos maaaresto ng Qatari authorities dahil nagsagawa ng illegal na kilos protesta sa nabanggit na bansa.
Ito mismo ang kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kasabay ng pagbasura sa kaso ng mga OFW.
Ayon sa Kalihim, ilang bansa na ang naka-monitor sa aktibidad ng Filipino communities partikular ang kanilang ginagawang mass actions kaya nanawagan ito sa mga OFW na mag-ingat at sundin ang mga patakaran ng kanilang host country.
Una nang tiniyak ng Qatari government na hindi na papatawan ng multa at mananatili pa rin ang mga Pilipino sa kanilang trabaho.