Sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘2-week extension’ ng travel ban sa lahat ng mga flights mula United Kingdom (UK) sa gitna ng natuklasang bagong COVID-19 strain doon.
Ito ang tugon ng Pangulo sa rekomendasyon ni Presidential Spokesman, Secretary Harry Roque at ng health department, kabilang ang Technical Working Group (TWG) ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Binigyang diin pa ni Duterte, na walang nakakaalam kung gaano kabilis kumalat ang bagong strain virus.
Kung kaya’t, paliwanag ng Pangulo, sa ngayon ang pinakamainam na gawin ang pagpapatupad ng ‘pre-emptive measures’ gaya ng pagpapatigil ng flights mula sa mga lugar na may kaso ng bagong strain ng COVID-19.
…as a matter of fact I am telling you there is no way knowing how this thing would evolve, it is evolving dangerously, but how far, how fast is the progression wala pa tayong alam, so the best way is really to be safe, to stop sa travel nila, that is good …okay, I accept that its good so it is amended accordingly ″, pahayag ni Pangulong Duterte.