Ni-lift na ng pamahalaan ang ban nito sa mga ‘non-essential travels’ ng mga Pilipino sa ibang bansa sa darating na Oktubre a-21.
Ani Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, ang hakbang na ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay tugon sa panawagan ng mga Pilipinong may partner o asawa sa ibang bansa na mabisita ang mga ito.
Sa ilalim ng panuntunan ng IATF, kinakailangang magpakita ang mga byahero ng mga papeles na magpapatunay na sila’y negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), confirmed round trip tickets at iba pa.
Bukod pa rito, dapat ding lumagda ang mga babyahe palabas ng bansa sa isang declaration form, na nagpapatunay na alam ng naturang byahero ang panganabi ng bumyahe sa ibang bansa dahil sa banta ng COVID-19.