Dapat lamang ikunsidera ng Pilipinas ang pagpapatupad ng pansamantalang travel ban laban sa United Kingdom.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng ulat hinggil sa kumakalat na bagong strain ng COVID-19 sa Great Britain.
Sa kanyang press briefing, sinabi ni Roque na kanyang idudulog ang usapin sa Department of Transportation na siyang nangangasiwa sa mga paliparan sa bansa.
Ayon kay Roque, sa kalukuyan ay maituturing na ligtas pa ang pilipinas dahil mahigpit aniyang nasusunod ang quarantine protocol para sa mga dumarating sa bansa.
Dagdag ni Roque, nararapat ding pakinggan ang abiso ng World Health Organization (WHO) na nagsasabing walang dapat ikabahala dahil normal lamang ang mutation ng mga virus.
Una na ring sinabi ni Roque na kabilang sa tatalakayin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang ulat sa bagong strain ng COVID-19.