Pinag-aaralan ng Department of Tourism (DOT) ang tinatawag na “travel bubble”.
Ito, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ay kung saan bubuksan na sa mga turista ang mga lugar na wala o mababa lang ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tiniyak ni Puyat ang pagpapatupad ng mahigpit na health and safety protocol sa mga lugar na bubuksan sa turismo.
Sinabi ni Puyat na maraming pasyalan sa bansa ang wala o single digit lang ang COVID-19 cases.
Gayunman, inihayag ni Puyat na ikinukunsidera din nila ang alalahanin ng local government unit hinggil sa mga patakaran ng health and safety protocols.
Ipinabatid ni Puyat na hindi lamang Pilipinas sa Southeast Asia at maging ang mga bansang Australia at New Zealand ay pinag-aaralan ang pagpapatupad ng travel bubble.