Posible ring gawin sa Visayas at Mindanao ang travel bubble program na ipinatutupad ngayon sa Baguio City.
Paniniwala ito ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat para na rin mai-promote ang domestic tourism sa susunod na taon at mabigyan ng trabaho ang mga indibidwal na nawalan ng kabuhayan.
Sinabi ni Puyat na ang Baguio City at Region 1 ang idinisenyo bilang pilot areas ng unti-unting pagbubukas ng turismo sa bansa pamamagitan ng 200 visitors kada araw.
Pangungunahan ni Puyat ang paglulunsad bukas ng Ridge to Reef Program ng Baguio City kung saan papayagang bumisita sa tinaguriang ‘Summer Capital of the Philippines’ ang mga naninirahan lamang sa Region 1.
Isasagawa ang travel bubble sa mga lugar na nakapagtala ng mababang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).