Maaari nang makakuha ng travel exit clearance ang mga pinoy na permanente nang naninirahan sa ibang bansa o expatriates gamit ang makabagong teknolohiya.
Ito’y makaraang ilunsad kahapon ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang kanilang online portal.
Gamit ang smartphones o tablet, maaari nang magpa-book ng appointments sa pagkuha ng travel exit clearance.
Layon nitong matulungan ang mga pinoy sa pagkuha ng kanilang overseas employment certificate nang hindi na kailangang pumila pa sa mga labor offices ng pilipinas sa ibayong dagat.
Dahil dito, hindi na kailangang lumiban pa sa trabaho ang mga pinoy para lamang ayusin ang mga kinakailangang dokumento.
By: Jaymark Dagala I Allan Francisco