Gumanda pa ang travel competitiveness ng Pilipinas sa taong ito kumpara sa mga nakalipas na taon.
Kasunod ito ng 74th rank ng Pilipinas sa 2015 World Economic Forum Travel and Tourism Competitiveness Report kumpara sa 82nd rank noong 2013.
Sa isyu ng business environment, 4. 54 ang score ng Pilipinas kumpara sa 6.13 ng Singapore, samantalang sa usapin naman ng safety and security ay nakakuha ng 3.84 na score ang Pilipinas.
Sa health and hygiene, 4.79 ang score ng Pilipinas at 4.59 naman sa Human Resources at Labor Market.
Sa Information and Communications Technology, 3.71 ang score ng Pilipinas, 5.26 sa isyu nang pag-prioritize ng travel at tourism at 2.77 naman sa air transport infrastructure.
Foreign tourists
Samantala, mabenta sa maraming dayuhang turista ang Maynila at Davao.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), sa unang limang buwan ng taong ito ay halos 300,000 foreign tourists ang gumamit ng NAIA papasok ng Pilipinas samantalang second choice naman ang Cebu International Airport at ikatlo ang Kalibo Airport patungong Boracay.
Samantala, ipinabatid ng DOT na Davao ang nakatanggap ng pinakamaraming foreign visitors na dumaan sa mga port o nasa 35% ng kabuuang ship based arrivals.
Kabilang sa mga pinakamaraming dayuhan turista ay mula sa India, Vietnam, France, Netherlands at Saudi Arabia.
Sinabi ng DOT na nakatulong sa pagdagsa ng foreign tourists ang pagluluwag ng gobyerno sa ilang visa requirements.
By Judith Larino