Tinutukoy na ng Department of Health (DOH) ang travel history ng tatlo pang karagdagang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant BA.5 sa Pilipinas.
Dalawa sa mga bagong kaso ay galing sa CALABARZON habang inaalam pa ang lokasyon ng isa at kung pagbabatayan ang history ng mga kaso ay masasabing wala pang international sources para sa BA.5
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa sa karagdagang kaso ay fully vaccinated na kontra COVID-19 at ang isa ay walang bakuna habang inaalam pa ang vaccination status ng isa pa.
Inaalam din anya ang mga naging sintomas ng tatlo maging ang kanilang naging close contacts.
Nilinaw naman ni Vergeire na ang tatlong indibidwal ay nakakober na at hindi direktang konektado ang pagpasok ng mas nakahahawang Omicron subvariants sa bahagyang pagtaas ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.