Suportado ng SM Supermalls ang Travel Incentive Program ng Department of Tourism at Department of Migrant Workers.
Kasunod na rin ito ng pormal na paglulunsad ng Bisita, Be My Guest Program (BBMG) na isang Incentivized Promotional Campaign para sa mga Pinoy lalo na ang mga OFW’S na mag qualify sa raffle ticket at manalo ng mga premyo kapag nag imbita ng mga dayuhang bibisita sa bansa.
Ang naturang programa ay ini re-launch ng DOT katuwang ang Department of Migrant Workers, Tourism Promotions Board Philippines at private sector partners tulad ng SM Supermalls.
Ayon kay Steven Tan, Pangulo ng SM Supermalls, isang karangalan sa sm Supermalls na mapiling maging venue ng launching ng BMMG Program matapos una na rin silang magkausap ni Tourism secretary Christina Frasco hinggil sa iisang layunin para sa Tourism Industry sa buong bansa.
Ipinagmalaki ni Tan ang resulta ng pag a-aral na ang SM sa 82 location nito mula Luzon hanggang Mindanao, ang una at huling pinupuntahan ng isang visitor sa isang lugar para bumili ng kanilang mga kailangan sa kanilang pagbsita sa bansa gayundin ay bumili ng mga pasalubong para bitbitin pabalik sa kani kanilang mga bansa.
Ipinabatid rin ni Tan ang bubuksang Tourism Kiosks sa SM Malls sa buong bansa para i-promote ang iba’t ibang programa ng DOT kabilang ang BBMG.
Binigyang diin pa ni Tan na nais nilang maging second home ng mga visitors ang SM kung saan ang misyon nila ay hindi lamang maging masaya ang pagma mall sa Pilipinas kundi maging ligtas din, mas convenient at accessible.
Sinabi ni Frasco na ang BBMG Program ay tugon sa panawagan ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa mga Pilipino na maging best ambassadors ng Pilipinas sa buong mundo.
Ang nasabing kampanya na magsisimula sa January 2023 hanggang April 2024 ay nakikitang magpapalakas sa tourism industry tulad nuong bago mag pandemic at maaaring i-check ang kumpletong promo mechanics gayundin ang registration information ng sponsors at invitees sa officials BBMG website na http://bbmg.philippines.travel.
Samantala, huwag namang pahuhuli sa mga programa ng SM Supermalls sa pamamagitan ng www.smsupermalls.com o i follow ang @smsupermalls sa social media.