Naglunsad ng bagong application ang Department of Tourism (DOT) kasunod ng pagbubukas ng turismo sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nilikha ang “Travel Philippines” app upang magbigay ng pinakahuling travel advisories at safety guidelines sa iba’t ibang destinasyon sa bansa.
Inilunsad ng DOT ang nabanggit na app katuwang ang Tourism Promotions Board (TPB) at tech venture builder na HIMO Global Inc.