Pinalawig pa ng gobyerno ang pagbabawal nito sa pagpasok sa bansa ng mga biyahero mula sa 10 pang bansa hanggang Agosto 31.
Kabilang dito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, UAE, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia.
Ipinabatid ni Roque na inaprubahan din ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng mga airline company na buksan muli ang International Transit Hub Operations kung saan mahigpit pa ring ipatutupad ang health and safety protocols.
Sinabi ni roque na ang International Transit Hub Operations ay limitado lamang sa airside transfers sa pagitan ng terminals 1 at 2 at sa terminal 3 ng NAIA sa mga bansa, jurisdiction at teritoryong nasa green list.
Kabilang dito ang Albania, American Samoa, Angulla, Australia, Benin, Bosnia at Herzegovina, Brunei, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Cote D’ Ivoire (Ivory Coast), Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, Gabon at Grenada.
Bukod pa ito sa Hongkong, Hungary, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat (British Overseas Territory), New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Romania, Saint Pierre And Miquelon, Slovakia, Sudan at Taiwan.