Nagpatupad ang Pilipinas ng travel restriction laban sa apat na bansang may mataas na naitalang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang na ngayon sa red list o mga bansang nasa high risk ng COVID-19, ito ang mga bansang Grenada, Papua New Guinea, Serbia, at Slovenia.
Mababatid na tatagal ang ibinabang restriskyon ng Pilipinas sa nabanggit na apat na bansa hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Una rito ay ipinatupad ang travel restriction sa ilan pang mga bansa gaya ng Azerbaijan, Guam, Israel, Kosovo, North Macedonia, Switzerland, at iba pa.