Epektibo na ang travel restriction para sa mga biyaherong magmumula sa Estados Unidos.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod na rin ng natukoy na kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa state of Colorado.
Paglilinaw naman ni Roque na hindi travel ban ang ipinatutupad ng Pilipinas kundi restrictive travel.
Ito aniya ay dahil maaaring umuwi ng Pilipinas ang mga Filipino basta’t masusunod ang guidelines mula sa Department of Health at Department of Foreign Affairs.
Una nang nagpatupad ng travel ang pamahalaan sa United Kingdom dahil sa nadiskubreng bagong variant ng COVID-19 doon.
Sinundan naman ito ng travel ban para sa mga foreign travelers at pagsasailalim sa mandatory 14-day quarantine ng mga Filipinong magmumula sa 19 pang mga bansa na nakapagtala na rin ng bagong variant ng COVID-19.