Aprubado na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapalawig pa ng travel restrictions para sa mga dayuhang biyahero sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatagal pa ng hanggang ika-31 ng Enero ang umiiral nang ban sa mahigit 30 bansa upang maiwasan ang paglaganap pa ng bagong variant ng COVID-19.
Sakop ng naturang travel restriction ang mga biyahero mula sa mga sumusunod na bansa:
- United Kingdom
- Denmark
- Ireland
- Japan
- Australia
- Israel
- The Netherlands
- China (including Hong Kong)
- Switzerland
- France
- Germany
- Iceland
- Italy
- Lebanon
- Singapore
- Sweden
- South Korea
- South Africa
- Canada
- Spain
- United States
- Portugal
- India
- Finland
- Norway
- Jordan
- Brazil
- Austria
- Pakistan
- Jamaica
- Luxembourg
- Oman
Nakatakda sanang magtapos ang naturang ban ngayong araw ng Biyernes.