Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbawi sa travel restrictions sa mga dayuhang mayroong partner sa Pilipinas.
Sa gitna ito nang kumakalat na #LoveIsNotTourismPH.
Ayon kay IATF co-chair Karlo Alexi Nograles, dagsa ang panawagan ng mga Pilipino sa IATF na payagan nang makapasok sa bansa ang foreign nationals.
Sabik na aniya ang mga Pinoy na makasama ang kanilang partners habang ang iba naman ay gustong magpakasal na sa mga dayuhang kasintahan.