Pinalawig hanggang Setyembre 5 ang travel restrictions ng pamahalaan laban sa sampung bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na palawigin ang restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia.
Lahat anya ng mga pasaherong manggagaling sa mga nabanggit na bansa ay hindi papayagang makapasok sa Pilipinas.
Ang travel restrictions ay bahagi ng proactive measures ng gobyerno upang mapabagal ang pagtaas ng COVID-19 cases at mapigilan ang pagkalat nito sa buong bansa. —sa panulat ni Drew Nacino