Inamyendahan na ng Qatar ang kanilang travel at return policy para sa mga biyaherong papasok at lalabas ng naturang bansa.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration administrator Bernard Olalia, ang pagluwag sa ‘process of travel’ ay epektibo simula Oktubre 6.
Sa ilalim ng amended policy ng Qatari Ministry of Public Health o MOPH, hindi na mandatory ang RT-PCR test para sa mga fully vaccinated Qatari citizens at residents mula sa green list countries.
Gayunman, kailangan naman nila ng swab test sa loob ng 36 na oras o matapos ang kanilang arrival.
Kailangan ding pumirma ng undertaking at acknowledgment form bago dumating sa Qatar na makikita sa MOPH website, online registration platform at airlines’ ticketing process.—mula sa panulat ni Drew Nacino