Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang magbibigay ng exemption sa travel tax ng mga dependents o anak ng single parent na OFWs o Overseas Filipino Workers.
Sa ilalim ng House Bill 6138 na inihain mismo ni House Speaker Pantaleon Alvarez, aamiyendahan nito ang umiiral na Republic Act 8042 o ang migrant workers and Overseas Filipino Act of 1995.
Ayon kay Alvarez, dapat mabigyan ng patas na trato ang mga anak ng single parent OFW na kadalasang pinagkakaitan ng naturang pribilehiyo na nakukuha naman ng mga anak ng OFW na kasal sa kanilang asawa.
Kasunod nito, nilinaw ni Alvarez na laan lamang ang naturang travel tax exemption kung ang magulang ng isang bata ay OFW single man o kasal.
—-