Bahagyang bumilis ang daloy ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ni MMDA o Metro Manila Development Authority Chairman Danilo Lim kasunod ng suspensyon sa operasyon ng Transport Network Company na Uber.
Ayon kay Lim, batay sa nakuha niyang datos mula sa kanilang metro base, nasa 5% ang ibinawas sa travel time sa Metro Manila.
Giit pa ni Lim, pinakamalaking problema sa Metro Manila ang napakaraming sasakyan subali’t hindi nadaragdagan ang mga kalsada.
Magugunitang, sinuspendi ng isang buwan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Uber noong Agosto 14 matapos na mabigong sumunod sa moratorium sa pagtanggap ng mga bagong units.