Magpapatupad ng travel ban via air at sea ang probinsya ng Bohol simula sa Biyernes, Agosto 6 hanggang Agosto 20.
Batay sa inilabas na executive order ni Bohol Governor Arthur Yap, ito’y bilang pag-iingat pa rin sa banta ng Delta variant.
Bibigyang daan din anya ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng mas maigting na kampanya para mabakunahan ang lahat ng senior citizen, may mga co-morbidity at masuportahan ang mga OFW na kailangan nang makaalis patungong ibayong dagat.
Hindi sakop ng nasabing travel ban ang pag-byahe ng mga cargo, APOR at mayroong essential at official business sa probinsya.