Muling binalaan ng Amerika ang kanilang mga kababayang nasa Pilipinas na iwasan ang magtungo sa Mindanao kung hindi rin lang mahalaga ang lakad.
Inilabas ng US State Department ang updated travel warning dahil sa di umano’y hindi mahintong banta ng terorismo sa Mindanao.
Tinukoy sa updated travel warning ang 13 magkakahiwalay na insidente ng kidnapping ng mga dayuhan sa iba’t ibang lugar sa Mindanao mula pa noong January at September 2 bombing sa Davao City na pumatay sa 15 katao.
Ang travel alert ng US na unang inilabas noong Abril ay sumasakop rin sa katimugang bahagi ng dulo ng Palawan at ang karagatang sakop ng Sabah Malaysia hanggang Zamboanga City.
By Len Aguirre