Aminado ang Bureau of Immigration (BI) na apektado na ang lahat ng mga biyahe papasok at papalabas ng bansa sa paliparan at pantalan ng novel coronavirus (2019-nCoV).
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, makikita sa kanilang datos ang pagbaba ng traveller’s rate mula nang pumutok ang balita hinggil sa nCoV.
Makikita natin bumababa yung rate nung travelers sa airport natin pati sa sea ports, pati mga cruise ships natin bumababa yung dami,” ani Sandoval.
Sa ngayon ay binigyan na ng derektiba ang mga frontline personnel ng immigration na alalayan at tulungan ang bureau of quarantine.
Dagdag pa nito, oras na may makita silang pasahero na may travel history sa Hubei Province ay agad nila itong itu-turnover.
Nagkaroon ng direktiba si Commissioner Morente dito sa ating mga frontline personnels not just sa airports but also sa mga sea ports, doble vigilant alalayan natin ang Bureau of Quarantine, ang maitutulong ng immigration is that kung may makita pa kaming galing Hubei province ibabalik namin sa Bureau of Quarantine for re-checking and double checking just for caution and prudence,” ani Sandoval. — panayam mula Ratsada Balita.