Gagamitin ng Pilipinas bilang argumento sa arbitration case nito laban sa China ang Washington Treaty of 1900 sa gagawing pagdinig ng International Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ngayong buwan.
Ang Washington Treaty ay ang kasunduang nag-aamiyenda sa makasaysayang Treaty of Paris noong 1898 nang isuko ng pamahalaang Espanyol ang Pilipinas sa ameRika sa halagang 20 milyong dolyar.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Cuisia, nakasaad sa nasabing tratado na bahagi ng Pilipinas ang mga isla ng Spratlys na kasalukuyang inookupahan ngayon ng China.
Sa sandaling mapatunayan ang argumentong ito ng Arbitral court, malaki ang tsansang kumiling na ang Amerika sa Pilipinas dahil isa ito sa mga lumagda ng nasabing kasunduan.
By Jaymark Dagala