Lilimitahan na ng Sagada Tourism Office ang bilang ng mga trekkers na maaring magpunta sa Marlboro Hills.
Ayon sa Tourism Office, 800 katao na lamang ang kanilang papayagang makapanik sa bundok mula kahapon, Disyembre 19.
Anila, ito ay para mapanatili ang kalinisan at ganda ng lugar.
Paalala ng mga opisyal na namamahala sa lugar, tanging mga bisita na may stub lamang ang makaakyat sa bundok.