Nadiskaril ang isa sa mga tren ng Philippine National Railways ilang minuto matapos umalis sa Paco station sa Maynila, kahapon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, may narinig ang mga pasahero na malakas na tunog na mistulang banggaan dahilan upang magbabaan agad ang mga ito nang huminto ang tren na pa-southbound.
Bumalik naman sa Paco station upang maghintay ng kasunod na tren ang ilang pasahero habang ang iba ay naghanap na lamang ng ibang masasakyan.
Hindi pa idinedetalye ng pamunuan ng PNR ang sanhi ng pagka-diskaril ng isa sa mga tren nito.