Trending ngayon ang Labubu Dolls na kamakailan lang ay dumagdag sa listahan ng mga ‘anik-anik’ na kinagigiliwan sa social media.
Pero ano nga ba ang kwento sa likod ng biglang pagsulpot ng trend na ito? Alamin natin.
Madalas na makikita ngayon ang Labubu Dolls na ginagawang palamuti at nakasabit sa mga bag kasama ng iba pang mga accessories na nauuso ngayon.
Ang Labubu Dolls ay nilikha ng Hongkong-born artist na si Kasing Lung noong 2015. Kabilang ito sa mga karakter ng The Monsters Series na inspired sa Nordic Mythology na kinahiligan niya habang lumalaki.
Pero bago maging toy designer, naging children’s book illustrator muna si kasing at naging pinakaunang Chinese winner ng Illustration Wward sa Belgium noong nanirahan ito roon.
2019 naman nang makipag-partner siya sa Chinese toy company na ‘Pop Mart’ na kilala sa binibigay nitong mystery effect dahil sa blind box packaging nito at simula noon ay unti-unti nang naging matunog ang Labubu Dolls.
Marami na ang sumali sa trend na ito kabilang ang na ilang mga local at international celebrities na binibida pa sa kanilang mga social media accounts ang koleksyon nila ng mga manika.
Ikaw, anong opinyon mo sa panibagong trend na ito?