Nasungkit ng triathlete na si John “Rambo” Chicano ang kauna unahang gintong medalya ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.
Tinapos ni Chicano ang laban sa oras na 1 hour 53 minutes and 26 seconds.
Bitbit ni Chicano ang bandila ng Pilipinas habang papatakbo sa finish line.
Samantala sumunod naman sa kaniya ang kapwa Pilipino na si Kim Remolino na nakuha ang silver medal.
Ginanap ang triahtlon sa Subic Bay Boardwalk, kahapon December 1.