Patay ang isang tricycle driver matapos pagsasaksakin ng kapwa tsuper sa Sampaloc, Manila.
Kinilala ang biktimang si Cansino Carlito, 54 – anyos na residente ng naturang lugar.
Batay sa imbestigasyon, matagal ng may alitan ang dalawa tungkol sa agawan umano ng pasahero sa terminal hanggang sa kalaunan ay nauwi ito sa pananaksak.
Mabilis na dinala sa paospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga sumuring doktor
Samantalang naka-detain na sa Sampaloc Police Station ang suspek na kinilalang si Alejandro Queqquegan na nahaharap sa kasong homicide.- sa panunulat ni Aira Ortega