Binawian ng buhay ang isang 53-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Arnulfo Ramos.
Sa inisyal na imbestigasyon, nasa pakwanan ang biktima nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek.
Isang bystander ang nakarinig ng mga putok ng baril kaya tinungo niya ang lugar hanggang sa makita ang biktimang nakasubsob sa manibela ng tricycle na duguan.
Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang