Napaslang ng isang Nigerian National ang isang tricycle driver sa Dagupan City.
Ayon sa ulat, inalok ng driver ang suspek ng sakay matapos itong lumapit sa kanya.
Pero imbes na maayos na sagot ang ibalik ng Nigerian, kung ano-anong masasamang salita ang binitiwan nito dahilan para sila ay magtalo.
Kaya naman nailabas ng driver ang metal pipe nito bilang depensa, pero nakuha ito ng suspek at pinalo niya ito sa ulo ng paulit-ulit hangagang sa hindi na gumagalaw ang biktima.
Dead on arrival na sa ospital ang biktima.
Nasa kamay naman na ng awtoridad ang suspek na nasangkot na rin sa ibang kaso nito lang Abril 2021. —sa panulat ni Rex Espiritu